Saturday, October 9, 2010

Chismosa pinalantsa part 2

Chismosa pinalantsa part 2 - Ang hinaing ni Sabel

Inamin ni Sabel ang nasabing pamamalantsa kay Glacila sa kadahilang pagbibintang nito sa kanya na isang kabit sa asawa nito. Napuno si Sabel sa palaging pagpaparining ni Glacila sa kanya kanilang lugar. Ang nasabing pamamalantsa ay nangyari nang marinig ni Sabel ang masasakit na salita sa kanya ni Glacila habang siya ay namamalantsa. Nagdilim ang kanyang paningin at hindi namalayang plantsa na pala ang hawak na siyang idinikit bawat parte ng katawan ni Glacila. Nadamay ang manikyuristang si Amy Coreo na nagtamo ng matinding paso sa kanyang braso sa pagsalag sa plantsa ni inuunday ni Sabel sa kaaway.




No comments:

Post a Comment